Panoorin ang buong interview!
HINDI HOLIDAY ANG WALANG SAHOD! GARANTISADONG BAYAD PARA SA MANGGAGAWA!
Sa panayam ni Banjo Cordero, Executive Director ng Defend Jobs Philippines, binigyang-diin niya ang kawalan ng proteksyon sa sahod ng mga manggagawa sa ilalim ng DOLE Labor Advisory No. 16, Series of 2026, kaugnay ng ASEAN Summit.
Sa kabila ng ₱22 bilyong pondong inilaan para sa pagtitipon, bakit manggagawa pa rin ang sasalo sa epekto ng suspensyon ng trabaho? Hindi pahinga ang mawalan ng tatlong araw na kita!
Hamon sa DOLE: Tiyakin ang buong bayad sa sahod ng lahat ng apektadong manggagawa!
GARANTISADONG SAHOD, HINDI NO WORK, NO PAY!
#DEFENDJOBSPHILIPPINES #ASEAN2026 #DefendWorkers
for media reference and inquiries: Reference: Rowi Lumagui Contact: 0969-233-2477 Email: defendjobsphils@gmail.com

